Still looking at the three sides of the bill. . .
Death affirms existence, it should be celebrated.
Paano na pag namatay ka? Sigurado ka bang may kaluluwa ka? Nakakatakot bang isipin? Ganun eh, yung buhay namamatay, it’s a never-ending cycle, a nature everyone needs to understand. Pagkatapos ng lahat lahat na dinaanan mo sa mundo, maiisip mo, dadating ang panahon na tuluyan na lang mawawala ang lahat. Mawawala ka sa mundong ginawa mo. Sayang lang.
Pero hindi. Dahil nabuhay ka para gawing makabuluhan at makulay ang mundo ng ibang taong katulad mo rin. Dahil naranasan mong mabuhay. Naranasan mong maging masaya, malungkot, maging baliw, magmahal, kumain, tumakbo, tumalon, tumawa, umiyak, magalit, at magsulat. Sulit na sulit. Masuwerte.
Hindi importante kung may naiwan akong alaala sa mundo at kung anong meron (o wala) pagkatapos ng kamatayan. Okay na yung naranasan kong mabuhay… at magmahal.
Alas tres ng hapon. Kakabihis at kakaligo lang ni Anonymous, pumunta sa nanay at may itinanong.
Anonymous: ‘Nay, late na ‘ko sa office, ano kaya ang magandang palusot?
Anonymous Nanay: Sabihin mo tumae ka pa.
Ayos na sagot, may impact. Pumunta si Anonymous sa tatay niya at inulit ang tanong.
Anonymous Tatay: [some common lame insignificant excuse that can easily be forgotten]
At dun nalaman ni Anonymous kung sino ang mas may malaking impluwensya sa kanyang genes.
Oooops, napapost ulit yata ako. Baka dahil hindi ko natanggap ang bonus pay ko sa trabaho at wala akong matinong magawa matapos kong waldasin ang pera ko sa isang date na wala namang kinalabasan, at least tinuruan ako ng kadate ko kung paano i-solb ang rubik’s cube. Yun naman talaga ang plano ko, pumunta pa talaga ako sa kabilang lungsod, nagrenta ng kuwarto at inimbita (at isinama) siya ng isang gabi para lang dun.
Naisip ko, sabi ng lahat ng lalaking mga kaibigan ko - “eh bakit di mo tinuhog?”
Bakit naman? Ganun lang ba ang tingin niyo dun? Na pag nagsama ka ng babae sa kuwarto eh dapat tuhugin mo na ang malaking sugat niya? Hohoho! Ang babaw niyo tsong! Sorry, hindi tayo kalebel, iba kasi ang trip ko eh, medyo creative kasi ako. Katol?
Napansin ko magaling na ego booster yung pagiging manwhore. Pag marami kang natuhog, cool ka. Pag meron namang nagpapatuhog pero ayaw mo, bakla ka. Nasan ang prinsipyo, aber? I’m just with the wrong crowd I guess, eh sa yung mga available lang na kaibigan dito eh mga magtutuhog at nangyaring I attract those kind of people.
Ayokong basta bastang tutuhog lang. Kung tutuhog man ako eh may halong respeto at makatuturang layunin, alam mo yun? Kasi naman hindi sarap at panandaliang kaligayahan ang hanap ko. Gusto kong magluto ng mabuti.
Masaya ako kahit walang tuhugang nangyari. Mas masaya yung simple. Nakuha ko yung pakay ko, yung maging masaya at makapagpasaya ng iba.