Still looking at the three sides of the bill. . .
Moments just before I typed this sentence, a kid outside the house wailed in pain. Just this morning, a chicken and a duck were killed, both bitten to death by one of our dogs, the same dog that bit the kid outside twice today. The dog was pummelled to death by one of the freeloaders before the kid stopped wailing. What could cause this fucking stupid situation? The fucking drunk people that freeloads in the house, and they’ll continue to freeload here as long as my exceedingly nice father let them. Maraming rason, kesyo ganito, kesyo ganun, dapat dito nakatira yan, kasi ganito ganito ganito ganito. No comment na lang, baka sakaling mag-iba ang isip niya pag namatay ang batang kinagat ng aso (na anak ng isa sa mga lasenggong freeloader na freeloader din).
Ang batang makulit, pasaway, matigas ang ulo, bubuhat ng bangko at ihahampas sa ‘yo o di kaya kukuha ng bato at ihahagis sa ‘yo pag inasar mo. Ang tatay niyang muntik nang mabaril ng kapitbahay namin dahil nagwala ng hatinggabi na kaibigan ng lasenggong freeloader na akala mo eh kung sinong siga at may-ari ng bahay pag lasing. Ang pangalawang asawa ng lolo ko na nanonood ng T.V. sa baba ng napakalakas lakas na hindi na ako makaconcentrate sa tinatype ko ngayon (dahil nabibingi na ang lola). Ang babaeng sa una pa lang eh plano nang gatasan ng pera at mga bagay bagay ang lolo ko. Ang babaeng palamunin. Ang babaeng sumisira ng concentration ko ngayon. Ah, fuck. Bakit dito ulit siya? Bakit pa kelangan pa niyang manggulo dito sa bahay eh nakuha niya na yung gusto niya, lupa, bahay, pera, pension, putangina. Nakakainis, nakakainis ang mga freeloader, nakakainis ang lola. Nakakainis silang lahat dahil nananakit sila ng hayop. Nakakainis dahil asal hayop silang lahat.
Mabait naman yung asong pinatay. Naging malupit lang yun siguro dahil naging malupit sila sa kanya, baka nasiraan na ng bait. Napalabas na lang ako kanina at napatingin sa nakahandusay na walang buhay na katawan ng kawawang aso, puno ng sinukang dugo ang itsura. Napaupo ako at napatingin, mukhang humihinga pa. Hahabaan ko pa sana ang upo ko doon kaso nilapitan ako ng aso naming isang taon nang me cancer kaya umalis na ako sa eksena.
Maraming lasenggo sa bahay, marami ring aso. Lahat sila freeloaders.
June 5th, 2008 at 11:47 pm
bwahahha, ang tagal kitang hinanap.
stalker moko.