Anonymous’ Journal

Still looking at the three sides of the bill. . .

Recent Enteries

Categories

About

Feel

Illiterature September 25th, 2009

Nararamdaman mong masaya ka na parang bang lumilipad ka sa langit. Minsan nasasaktan ka na para bang nahuhulog ka sa bangin at unti-unting nawawalan ka ng pag-asa. Paulit-ulit, nababasag ang puso mo, at paulit-ulit mong dinadampot ang mga parteng nariyan pa, palaging pinipilit na ibalik sa kung ano ito dati. Iniisip mong mas mabigat ang problema mo sa iba. E ano ngayon? Mas masaya ang mas maraming problema, mas nakakachallege, mas nararamdaman mong nabubuhay ka. Pinipilit mong labanan ang mundo. Pinipilit mong labanan ang sarili mo.

Wag kang sumuko. Tumakbo ka kung kelangan, ubusin mo ang hininga mo. Harapin mo ang sarili mo at ang mundo. Tumingin ka ng padiretso, pumili ka ng daan. Wag mong kalimutan ang mga dinaanan mo.

Magtiwala ka. Walang imposible. Makakarating ka rin sa paroroonan mo, sa lugar na nais mong puntahan.

Leave a Reply