Still looking at the three sides of the bill. . .
Ang haba tingnan ng race track. Isang araw na naman ‘to ng pakikipaglaban.
Malamig ang paligid pero mainit ang iyong pagkatao, pinaghandaan mo na ang pagkakataong ito. Sinimulan mong tumakbo.
Apat na minuto ang nakalipas, parang hindi mo napansin, isang milya na pala ang tinakbo mo. Mabilis ang panahon pag may lakas ka, nararamdaman mong mabilis ang takbo ang oras.
Sa ikapitong minuto pa lang ng iyong pagtatakbo, nararamdaman mong nanghihina ka na, unti-unti ka nang bumabagal. Unti-unti, nahihirapan ka nang huminga. Pero naiisip mo, “kaya pa, kaya ko pa ‘to, gusto ko pang tumakbo.”
Nakatakbo ka ng apat na milya sa ika-dalampu’t apat na minuto ng iyong pagtatakbo. Parang hindi ka na makahinga. Humihina na ang katawan mo pero hindi ka na nakakaramdam ng sakit dahil paulit-ulit, pinili mong maramdaman ito. Ayaw mo nang sumuko, sawa ka nang sumuko.
Labing anim na minuto ang nakalipas at pakiramdam mo e gusto ka nang takasan ng sarili mong kaluluwa. Para na ring bibigay ang katawan mo. Pero pamilyar na pamilyar ang sitwasyong ito. Natutunan mo na itong mahalin - ang sakit at ang paghihirap.
Natapos rin ang apatnapo’t walong minuto ng iyong kalbaryo. At parang ganun lang, tinalo mo ang sarili mo. Hindi ka natitinag sa sakit at hirap. Hindi ka naniniwala sa tinatawag nilang limit, alam mo kasing kaya mong lampasan yun, at kaya mo pa ring lampasan ang nalampasan mo na.
Labingdalawang milya? Hindi mo na nabilang kung ilang milya ang itinakbo mo, ang alam mo lang, gagawin mo ang makakaya mo at tatapusin mo ang naumpisahan mo.
Sulit ang oras, apatnapo’t walong minuto.
Napangiti ka. Umpisa pa lang ito ng isa sa mga mahahabang araw mo. Tagumpay.
January 25th, 2010 at 10:28 am
Parang perspective lang nang kabayo. Lol. Nice….