Anonymous’ Journal

Still looking at the three sides of the bill. . .

Recent Enteries

Categories

About

Supah Fly

Slice of Life, Thoughts September 5th, 2007

Hoooray, ayoko na mag-ingles, dumudugo na kasi ang ilong ko habang pinipilit kong mag-isip ng mga gagamiting salita na gusto kong isulat sa ingles. Nangangahulugan lang itong kelangan ko nang magpalit ng istilo ko sa pagsusulat para mas maging komportable ako, kelangang i-tagalog ang karamihan ng mga isusulat ko. Masakit mang aminin, mas bumobo na talaga ako ngayon, tanganakz, karma na yata ‘to. Forgive me teacher for I have cheated. Kaya ngayong gusto ko nang maging honest, ang hirap mag-aral, lalo na at nasi-stress ako sa trabaho. Dalawang araw na lang at paghuhukom na.

Sa mundong ito, iba talaga kapag kyut ka o guwapo/maganda, mas madali kasing dumiskarte, mas madaling makisama sa mga tao, kahit masama pa ang ugali mo, madali lang i-bypass ng panlabas na anyo mo. Pag pangit ka kasi, kelangan mo ng pambawi tulad ng napakagandang personalidad at talino, minsan di pa sapat. Kaya mahirap, unfair nga talaga ang mundo, pero kelangan talaga ganun, may sisuwertehen at may mamalasin. Napakaraming taong andaling maghusga kung ano ba ang halaga mo sa mundo, minsan sa isang tinginan lang, papalya ka na o bebenta sa kanila. Kaya mahirap. Mahirap maging kyut. At mahirap. Mahirap pag ipinanganak kang guwapo. Putengz, dito ako magaling, sa pakapalan ng mukha. Kasi naman epekto na ito ng mga taong nagsasabing kyut na daw ako, guwapo pa, tenkyu, sobrang kumapal ang mukha ko dahil sa inyong mga napakagandang komplimento sa akin. Pag tiningnan sa magkabilang dulo, mas masuwerte pa rin ang mga pangit. Kasi pag maganda ang itsura mo, hindi mo malalaman kung ano talaga ang dahilan kung bakit ba malapit sa iyo ang mga tao, kung dahil ba sa pagkatao mo o dahil sa itsura mo. Sa aking eksperiyenz kasi, usually dahil sa itsura ko. Kasi naman ako yung tipong hindi makakonek sa mga makokonsider mong normal na tao sa lipunan, iba kasi ang wavelength ko. Hindi maabot, mahirap, mahuhulog ka lang sa pagtatangka. Pero magaling na rin, maraming puwedeng manipulahin, andali pang gawin. Tenk you nay, tenk you tay, galing niyong gumawa ng anak.

Kahit maganda ang naidulot sa aking personalidad ng aking panlabas na kaanyuan, matagal ko nang pinangarap na maging pangit.

-

Boss: Bakit naging ganito ‘to?
Ako: Sir, wala po akong binago sa ginawa niyo, sinunod ko lang ang instructions niyo. (habang nag-iisip na siya lang naman ang gumawa ng file na yun at may pinadagdag lang sa akin sa huling parte, hindi pa nga yun parte ng responsibilidad ko)
Boss: Eh bakit naging ganito ‘to?
Ako: Hindi ko po alam Sir…
Boss: Bakit naging ganito ‘to? Bakit naging ganito ‘to? Nang ako ang gumawa kanina okay naman ah, bakit naging ganito ‘to?
Ako: Hindi ko po alam, wala naman po akong pinakialaman sa ginawa niyo, sinunod ko lang po ang instructions niyo. (habang iniisip ko na sobra na nga ang mali kanina, inedit ko pa at tinama ang gawa niya)
Boss: Hindi naman kita pinagkakamalan eh! Tinatanong ko lang kung bakit ganito ‘to!
Ako: … (habang nag-iisip na ipukpok ang mouse at keyboard na nasa harap ko sa ulo niya)

Tapos biglang may umeksenang kaopismeyt namin at sinabing may dinagdag siya (ang boss namin) kaya nag-iba ang layout ng file. Haaaaaaaaaaaaaa! See? Mali ka boss! Sana matuloy ang pagbibusiness ko ng malaki balang araw, para ako naman ang maging boss, ako naman ang mang-aabuso sa aking mga tauhan.

-

Alien Bestfriend: Magkano na ba ang utang ko sa iyo?
Ako: Hindi ko na nabilang, sa apat na taong pinagsamahan natin, ni isang utang mo sa akin, wala kang binayaran.
Alien Bestfriend: Pautang naman ng kinse.
Ako: Aanhin mo ba ha?
Alien Bestfriend: Papaload ko sa girlfriend ko.
Ako: Bakit? Iti-text ka ba niya?
Alien Bestfriend: Hindi.

Pero pinautang ko pa rin sa mga rasong walang katuturan at kabuluhan na hindi ko na ibabahagi dito.

-

Masakit ang katawan ko, inaantok ako, tinatamad ako. Syet. Iinom na lang ako ng kape at matutulog. Pero di puwede, andami ko pang kelangang gawin.

Leave a Reply