Anonymous’ Journal

Still looking at the three sides of the bill. . .

Recent Enteries

Categories

About

Slice of Life, Thoughts September 16th, 2007

Tamad, isa ako sa mga tamad na tao. Understatement pa nga ang salitang “tamad”. Kasi kahit pagligo tinatamad ako, iniisip ko na lang palagi na kumain at matulog. Gusto ko kasi yun ang maging buhay ko, yung nakahiga lang at nakatulog, palagi kasi akong napapagod, siguro burn-out na ‘to, hindi sa trabaho kundi sa buhay. Nakakainis, tataya na lang ako sa lotto mamaya, baka sakaling manalo ako, bigla akong yumaman, eh di makakaresign na ako sa trabaho ko, magbabayad ng mga tauhan, magtatayo ng business at matulog.

Isa pa ‘to, hindi na ako makapag-isip ng diretso tulad noon. Wasak na wasak ang laman ng utak ko, pati ako di ko na alam kung saan lumulutang ang isip ko. Mas sobrang makalimutin na ako, ambilis yatang mamatay ng mga brain cells ko. Tanganakz talaga, di ako makapagsulat, di ako makapag-isip ng diretso.

Natumba ako sa gym kahapon, nakakatawa kasi yung bestfriend ko, parang babaeng umuungol habang pinipilit ang sariling maabot yung kumpletong reps sa sit-ups. Natapilo ako sa isang equipment noong tumalikod ako, nakakaawa ang bagsak ko, umuntog ang ulo ko sa steel bench, punit yung balat sa kaliwang talukap ko. Pero okay lang, hanggang ngayon kasi natatawa ako sa kanya habang nagtsatsat siya dito sa tabi ko, sana di na lang ako natuto mag-ingles para di ko mapagtawanan yung ispeling niya pag nagsusulat siya sa ingles.

Leave a Reply