Still looking at the three sides of the bill. . .
Kahit ako hindi ko na matiis ang amoy ko, sobrang baho ko na. Pitong araw na akong nakakulong sa kuwarto ko pero okay naman kasi nakangiti ako. Even though I made up my mind to see a shrink this month, I think i’m okay. Maliligo na ako bukas. I wonder what will happen. Kung bigla na lang ako susulpot sa opisina, pinatawag pa naman ako kanina by all means (ni-relay pa sa maraming tao para lang matanggap ko ang mensahe na kelangan ko nang magreport dahil may naghahanap sa akin na isang opisyal). Pero hindi ako lumabas. Bukas na lang. Sa totoo lang ang bastos kong tao, nahihiya ako sa sarili ko, nahihiya ako sa ugali ko. Ha. Ha. Hindi na ako makaisip dahil sa amoy ko ngayon.
Kahit naging ganito ang buhay ko, wala akong pinagsisihan sa lahat ng pagkakamali ko at mga bagay na hindi ko ginawa at nagawa. Kung puwede mang makabalik sa nakaraan, babalik ako para maranasan kong muli ang aking pagkabata, hindi para mabago ko ang buhay ko. Sobrang optimistic ko kasing tao, alam ko bukas bagong araw na naman, bago na namang opurtinidad at tsansa para mabago ko ang buhay ko. Kaso walang nangyayari, hirap kasi ng sakit ko, katamaran, nakakatamad magbago. Nakasanayan ko na kasing magprocastinate. Ano nga ba ang gagawin ko bukas? Kapal naman ng mukha ko na bigla na lang magpapakita sa mga taong naewan na siguro at nag-iisip kung bakit walang sumagasagot sa mga mensahe at tawag nila. Pero okay ‘to. Unti-unti ko nang nasasanay ang sarili ko na harapin yung mga nagawa kong pagkakamali.
Hahay, pabalik balik ako dito sa internet. Nagshishift na yata ang buhay ko dito eh. Walong taon na akong nagsusulat sa kung saang saang sulok. Marami na akong nakilala pero dito ko yata nakilala yung mga taong nag-iwan ng marka sa buhay ko. First girlfriend, first fuck (at buntis pa), mga kaibigang mas totoo at okay kesa sa mga kaibigan ko dito, at isang anghel. Kung saan saan na ako napapadpad. Tinatamad, hihinto sa pagsusulat pero mahahanap ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa harap ng monitor at sumusulat na naman ng kung ano ang nasa isip ko.
Simula ng bumalik ako nawala na yung kung anong meron ako para magsulat pero sulat pa rin ako ng sulat. Gusto ko lang sumulat. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako susulat dito pero sana tatagal. Sana tatagal pa…