Anonymous’ Journal

Still looking at the three sides of the bill. . .

Recent Enteries

Categories

About

Crimson

Rants, Slice of Life March 4th, 2008

It’s not alarming anymore when I look down on where I shit and see pure red blood instead of water. I don’t worry anymore because I got used to seeing my own blood being rejected by my own body. Kaya nakakainis yung mga taong paslit slit pa ng wrist, yun lang yata yung kaya nila eh, paano kaya pag tumae sila eh dugo yung lumabas na walang halong tubig? Na parang umihi lang sila ng isang litrong dugo. Siguro baka hilingin nila na tumagal pa yung buhay nila, putanginang mga emo yan, akala nila sila lang yung may problema.

Admitting Diagnosis: Anterior Chest Mass
Operative Diagnosis: Ligation of Cavernous Hemangioma
Operation Started: 10:01 AM
Operation Closed: 10:30 AM (says on record but I honestly think that it was longer)

Pag trip ka nga naman talaga ng sakit. Ewan ko kung magaling ang doktor, nirekomenda ng officemate ko eh pero parang nagdududa ako sa abilidad niya. Mabait siya, pero yung isyu dito eh kung magaling ba siyang doktor. Sa pagresearch ko kasi sa internet eh mukhang Cavernous Hemangioma nga pero parang hindi rin. Under observation raw ako for the next 3-4 weeks, pag nagre-occur pa raw yung bukol, i’ll be subject to a more risky (meaning, more expensive) operation. Oo nga naman, kung kunin nga naman yung blood vessel na yun under sa ribs ko na malapit sa puso parang na-iimagine ko na na delikado nga talaga.

Hindi ko na natandaan kung sinong mga putangina yung nagtake advantage sa akin noong inoperahan ako, pero ngayon ko na lang naisip na ginawa palang patungan ng mga kamay yung titi ko bago pa man nagumpisa yung operasyon sa akin, andaming nurse, akala ko puwede na yung isa o tatlo pero pinalibutan ata ako ng marami, feeling ko eh nakiusyuso lang yung ibang putangina dun, nanghipo at nanghimas pa ng titi, amp. Alam naman siguro nilang titi ko yung pinapatungan ng kamay nila kasi binaliktad yung Operating Room Dress ko para mas madali akong operahan, tsaka wala akong underwear, nararamdaman naman siguro ng kahit sinong napunta yung kamay dun sa hita ko na merong hugis ahas dun na malambot. Siguro iniisip ng mga humimas na walanghiya na, “tingnan nga natin kung manyak yung pasyente na ‘to, kaswal kong himas himasin yung nota kung titigas” (hindi tumigas ‘yo, sorry). Naramdaman kong parang kaswal na kunwari daw eh nandoon yung kamay pero may dagdag pa atang himas, pero dahil sa dami ng iniisip ko noon tungkol sa operasyon habang nangyayari yun ay hindi ko na napansin, yung napansin ko lang eh yung paulit ulit na sabi ng doktor na, “wag kang matakot, don’t worry”, yes dok, alam ko at hindi ako natatakot, ganun lang talaga ako, palaging nag-iisip in advance ng kung anu-anong mga scenario ang puwedeng mangyari. Pero conscious naman ako, katunayan eh kahit under na siya sa parang kumot eh pinuprotektahan ko pa ng kamay ko, pero nahimas na ng todo nong tinali yung dalawang paa at dalawang kamay ko sa operating bed. Ni hindi ko namukhaan yung mga bakla, lalaki, babaeng nurse na ginawang lalagyan ng kamay yung titi ko, puwede ba naman yun eh hindi na nga matingnan yung dibdib ko sa bandang roon. Putangina talaga, naiinis lang ako pag naalala ko. Sexual harrassment habang inooperahan amp.

Hindi raw maipinta yung mukha ko, masakit daw ba? Oo, nung tinurok yung mala12-inches na karayom sa dibdib ko ng ilang beses para hindi ako makaramdam ng sakit sa pagbukas ng dibdib ko. Pero habang sinabi yun sa akin ng kung sinong putangina dun eh nakaanaesthesia at nakatali na ako nun. Bakit daw ba? Sinabi kong rumereflect yung kung saan ako inooperahan doon sa operating light na diretso sa mukha ko, nakikita ko yung laman ng dibdib ko habang kinakarne ng doktor, nakikita ko yung sarili kong dugo na nagsisquirt squirt sa loob sa taas at baba ng kung saang lugar binuksan yung dibdib ko. Psychological pain syempre, kahit naman nakaanaesthesia ako eh nakikita ko pa rin yung itsura ng loob ng dibdib ko habang kinakarne ng doktor, ngayon nga eh fresh pa sa memories ko, ayan tuloy, biglang sumakit yung dibdib ko. Masakit, kahapon pa simula nung nawala na yung epekto ng anaesthetic. Papikit pikit ako pero pilit ko pa ring tinatanaw yung repleksyon ng bukas na dibdib ko sa operating light (bulb/glass/whatever), syet, naaalala ko na naman, wala lang, ayos kasing makita yun - kinakarne ka habang gising, walang sakit tapos nakikita mo pa, cool. Ayan, pabalik balik na sa utak ko yung imahe ng laman ng dibdib ko habang kinakarne, hindi naman siya kadiri actually, okay nga eh, mukhang nakakagago lang pag nakikita mong nagsisquirt squirt dun ang dugo sa mga blood vessels mo (sa palagay ko lang naman kasi hindi naman ako doktor).

Makatulog na nga, bed rest daw kasi dapat. Sana naman okay na tapos nito, ayoko noong risky operation, magastos. Leche.

2 Responses to “Crimson”

  1. skwayred Says:

    Sana um-okay na ‘yan. Ba’t ka ba nagkaron ng ganu’n na sakit? Ngayon ko lang kasi narinig ‘yon eh. Tsaka nakakadiri ka naman mag-kwento wahaha. Nakita mo ‘yung dibdib mo habang “kinakarne.” LOL. Kung ako di ko kakayanin ‘yon. Baka himatayin ako. Ewwwww talaga. Di pa kasi ako nao-operahan kahit kelan eh.

    Pero natawa ko do’n sa mga nag-molestya sa’yo. Hehehehe. Siguro sanay na mang-himas or makahimas ‘yung mga assistant/nurse na ‘yon. :P

    Anyway, get well soon!

  2. Tetet Says:

    Tas kain kang Dinuguan o di kaya naman Bopis pagkatapos momg maalala yung ichura ng loob ng dibdib mo. :)
    Mukhang hayok na hayok yung nangmanyak sa`yo a. LOL.

    No comment sa mga “emo”. Alam na. ROFL. ;)

Leave a Reply