Anonymous’ Journal

Still looking at the three sides of the bill. . .

Recent Enteries

Categories

About

Jumper

Slice of Life, Thoughts March 8th, 2008

Anytime, anywhere, puwede.

But the doctor didn’t say it directly to me. Na anytime eh puwede akong macardiac arrest, kahit ngayong sinusulat ko ‘to.

Kaya naman pala ligation lang at hindi removal. Kelangan ko pala ng Cardio Specialist at hindi General Surgeon. Kaya pala minsan sumasakit na lang ang puso ko na parang sasabog, yung pala yung mga times na pumapaloob yung pressure ng maraming dugo papunta sa puso ko. Buti na lang na most of the time eh palabas ang direksyon niya at gumagawa ng bukol sa balat superficially, at least nadiscover. Ang blessed ko talaga. God is love.

May dalawang buwan ako para magpaopera ulit. At ang survival rate ko sa operasyon na yun eh singkuwenta porsyento lang. Pag di ako nagpaopera, anytime, puwede akong atakihin ng cardiac arrest (sa ngayong katatapos lang ng ligation eh less likely na atakihin ako, at least for the next few weeks). From the time of my operation daw kasi eh mababa lang yung chance na atakihin ako sa puso, pero after two months eh makikipaglaro na ako ke kamatayan. I like the idea. But I have to straighten my act, kasi andaming nagmamahal sa akin.

I found this from my Aunt, who got the news from my sister. Doctor, why didn’t you tell me? Sa kapatid ko pang nasa ibang bansa na. Bastard.

Kukuha ako ng Civil Service Exam bukas. Hindi ko alam kung saan ang venue ng examination at kung sa anong room ako nakaassign. Di rin ako nakareview at nakaprepare, ni gamit wala ako. Pero pupunta pa rin ako ngayon sa kung saan gaganapin yun kahit wala akong ideya, kukuha pa rin ako ng exam bukas.

One Response to “Jumper”

  1. skwayred Says:

    I like the way you handle your trials. Parang wala lang sa’yo ah. Well, just think positive. Makakaraos ka din d’yan. Do’n ka na kasi sa maayos na doctor magpagamot. :P

Leave a Reply