Still looking at the three sides of the bill. . .
Hindi ko alam kung ano yung unang papatay sa akin. Yung sakit ko ba o yung pagsasalita ko sa publiko tungkol sa korapsyon ko at ng mga kasama ko sa serbisyo. I’ll be leaving this place to go to a faraway city thirteen days from now to try my luck at surviving my disease - it could cost me my job but nevermind that, i’d give up my career for love. I didn’t get to go to the exam this morning, just because i’m disorganized and I didn’t wake up on time.
-
I generally like people, even if masama yung ugali nila, even if similar pa sa kabayo yung itsura nila. Siguro big deal na sa ibang tao na bad breath yung kausap nila, yung tipong hihimatayin ka sa amoy ng hininga pag nagsalita sa harap ng mukha ko. I just find myself intently listening to what they say (kahit hindi ako makaconcentrate) and ignore the smell and I make it a point naman to say to them na dapat magtoothbrush sila as their friend (in the best non-hurting way I can of course, depende sa taong kausap ko).
I live in a superficial world. Sa totoo lang, lahat ng naging ex ko eh ‘pangit daw’ according sa mga nakakita sa kanila. So ano naman ngayon? Itsura lang naman yun, ano ba ang pinagkaiba ng pangit sa maganda? Eh kahit ano pang itsura nun eh tao pa rin yun. Bukod sa mas mataas na tsansa na makaconceive yung tao ng maganda at guwapong anak sa mata ng ibang tao eh ano pa ba? Tsaka in its deepest sense, advantage ba talaga yung pagiging guwapo/maganda? Ano ba ang pinagkaiba ng guwapo/maganda sa pangit? One can’t help being superficial, ano ba namang magagawa mo kung nabrainwash ka na ng mundong kinagagalawan mo.
I live in a judgmental world. Racist, sexist, rapist, feminist, activist, Marxist, pare-pareho silang lahat. Dapat may matalino at bobo. Dapat may maganda at pangit. Dapat may tama at mali. Ano ba yung lahat ng ito? Gawang tao. Ano nga ba ang moralidad? Produkto ng limang milyong taong tradisyon? Kesyo lalaki ganito dapat, kesyo babae ganyan dapat. Kapag ganito, matalino; kapag ganyan, bobo. Kaya naimbento yung bakla at tibo. Kasi nararapat sa mundo natin na may identity ka, dapat mabilang ka sa isang kategorya. Nagkataon lang namang ipinanganak ako na may titi. Kailangang alamin kung ano yung nasa gitna ng dalawang hita mo tapos ilalagay ka sa ‘tamang’ puwesto mo. Ganun ang mundo. Sa lahat ng bagay eh may may performance rating ka. E ano naman ngayon kung tibo yung kapatid ko? E ano naman ngayon kung maganda siya? E sa nararamdaman niyang ugaling lalaki siya, pagkakataon lang yun. May ugaling lalaki ba talaga? Bakit pa kailangang tanungin kung bakla nga ba ako dahil tibo yung kapatid ko? Kailangan ko ba ng syotang babae para mapatunayan kong lalaki ako? May dapat nga ba akong patunayan? Kelangan pa bang sukatin yung pagkalalaki ko? Yung talino ko? Yung itsura ko? Yung pagkatao ko? Para sa ano?
Sa pagkakaalam ko eh isa lang akong tao, walang pinagkaiba sa ibang organismong katulad ko. Nakatira sa mundong sobrang mapaghusga. Kaya hindi imortal yung tao kasi walang patutunguhan yung mundo kung maging imortal tayo, ‘artificial intelligence’ never sounded so true.