Anonymous’ Journal

Still looking at the three sides of the bill. . .

Recent Enteries

Categories

About

Pretense

Rants, Slice of Life, Thoughts March 12th, 2008

“Act like your age.”

Hypocrite.

Let’s face it, lahat tayo may pretenses. I chose to keep mine to a minimum.

I’m already an adult, I need to work. But does that mean that I need to stop playing (or keep it to a minimum)? Bakit pa ako nabuhay kung ganun? Para magpakahirap at magpakalungkot tulad ng nakakarami sa populasyon ng mundong kinagagalawan ko?

Buti na lang di tayo magkaugali. Puro pera na lang. Pera, pera, pera, trabaho, trabaho, trabaho, may panahon ka pa ba sa sarili mo? Marami nga ang pera mo pero masaya ka ba? Saan mo dadalhin yang pera mo? Gusto ko ring magkapera. Pero kung magiging hadlang lang din yun sa kaligayan ko eh sa ‘yo na lang, mas mabuti nang namumuhay ako ng masaya.

Hindi mo ba naisip na puwede kang magpakasaya at kumita ng pera at the same time? Wag naman yung puro trabaho lang at sobrang dami ang pera, saan mo naman gagastahin yun? Sa pagpaparetoke mo? Sa pag a-around the world? Sa pagyayabang sa mga tao na multi-millionaire ka? Na successful ka? Sa palagay mo ba hindi ako successful? Kanya kanya lang namang depinisyon ng tagumpay yan. Ano ba ang mas makatuturan na depenisyon ng tagumpay? Pera o kaligayahan? Kaya hindi ka nakukuntento kasi akala mo eh kung sino kang masipag at matalino. Wag mong idaan sa reklamo ang mga kalungkutan at paghihirap mo, gawan mo ng paraan. Wag mong sisihin ang mundo, walang kasalanan yan sa ‘yo, tayo pa nga ang may kasalanan sa kanya. Wag mong tapakan ang pagkatao ko dahil hindi kita inaano.

Magpakatotoo ka na lang kasi. Tulad ko. Umiinom pa rin ng gatas. Naglalaro. Hindi ko kasi tinalikuran at ikinakahiya yung kabataan ko. Grow young!

2 Responses to “Pretense”

  1. twiger Says:

    “Wag mong tapakan ang pagkatao ko dahil hindi kita inaano.”

    -sino nang-aano sayo? anong inaano? paano inaano?

    *di sila/ako masaya sa kung ano ang meron sila/ako ngayon. (pde ko pa rin ilagay ang sarli ko sa kanila) bakit? kasi para sa kanila/akin di ko pa nakukuha ang gusto ko. di sa hindi makuntento sa kung anong meron sila/ako, pero sa palagay ko, sinusubok ko pa ang sarili ko sa kung ano pa ang pwede kong gawin at ibigay sa ibang tao. ewan ko lang sa kanila :lol: i haven’t beaten myself. i haven’t reached my expectations from myself.

    “The author has no intention of offending anyone but himself.”

    -sabi ko nga eh wag patulan. hmpf!

  2. twiger Says:

    have you read about this http://www.manilastandardtoday.com/?page=goodLife2_mar10_2008 ???

Leave a Reply