Anonymous’ Journal

Still looking at the three sides of the bill. . .

Recent Enteries

Categories

About

Updated

Rants, Slice of Life March 15th, 2008

Kahapon, nagreport ulit ako sa opisina, nagfile ng leave (dahil hindi ako nakapagfile before ako umabsent dahil sa operasyon ko) at dumiretso sa bakbakan sa field.

Malakas ang ulan, wala akong payong, sombrero lang. Natuyo na ako noong nakarating ako sa field office na pupuntahan ko pero yung paa ko eh basang basa pa rin. Ang haba kasi ng pantalon ko, tsaka nakatsinelas lang ako so nagsisilibi siyang isang trapo sa paligid pag naglalakad ako. E di nakarating na ako, walang tao, gitnang hapon, merong audit tapos walang nagrereport? Naku naman, walang takot yung mga taong ito, kunsabagay nga naman, yung mga nagrereport dito eh kung sino pang kulang ang sahod at walang sahod. Ang saklap ng buhay at sistema sa bulok nating gobyerno. Wala pang nagreport kung hindi ako tumawag sa nakajob order (na wala na sa serbisyo pero nagrereport pa rin - eto yung totoong public service, hindi tulad ng mga politikong puro dada lang ang alam, yung gawa lang naman eh kumuha ng pera sa kaban ng mga tao, sarap saksakan ng titi sa lalamunan) na hindi na sinisuweldohan. Buti pa siya, pumunta ng opisina, hindi tulad ng opisyal ng opisina na dinidate ang kabit habang hinihintay kong may bumukas sa opisina nila. Putangina, ako ngang kakaopera lang na dapat eh nagpapahinga sa bahay eh pumunta dun ng basang basa. Nagsmirk pa yung kabit nung nakita ako, contributor ka ba talaga sa isa sa pinakasikat na newspaper dito sa bansa? Tinatawanan mo ba ako dahil ginagawa ko ang trabaho ko ng tama? At ikaw eh nangangahoy ng pera sa korap na taong may pamilya na. Dumating ang dalawang mas sumeksi at gumandang mga nakajob order, nakamini-skirt pa rin ang isa, makinis pa rin ang legs, yum, yum, yum! Nyahaha! Masyadong malaki ang hazard sa trabaho ko. At hindi masuwerte ang araw na ‘to. Hindi pa naglimang minuto eh nakuryente na ako. Yung tipong magkaholding hands kami ng nakajob order habang hawak hawak ang isang electric device, tapos eh nakuryente siya at in result eh nakuryente rin ako. Pero hindi pala, ako lang pala ang nakuryente, ayun, dumikit. ZZZZZZZZZZZZZTTTTTTT! Sabay nginig ng kamay ko, dumaloy sa braso. “Ahhhhhhhh!”, kaswal kong sabi - kinukuryente na ako nito. “AY!”, napasigaw ang nakajob order, napatalon pabalik. Nagulat ako noong napasigaw siya at napatalon rin pabalik, nawala ang pagiging intimate namin ng kuryente. Saved by a shriek. Uminit init ang kamay ko, chineck ko, baka may nasunog na balat, wala naman, medyo umitim lang ng onti yung ibang parte nito. Pinagusapan namin ang nangyari at napatawa na lang kami (o baka ako lang ang napatawa) noong nalaman namin na ako lang pala ang nakuryente. Muntikan na. Tuloy ang trabaho. Kahapon ang araw na hindi ko na nabilang kung ilang beses akong naground, karamihan dito ay sobra sa tatlong segundo ang tagal at everytime eh talagang nanginig ang katawan ko. Sira ang schedule, sa Lunes na naman matutuloy ang bakbakan dahil hindi ko natapos ang pangalawang trabaho ko kahapon. At ngayon pa lang eh naiisip ko na na ang magiging present lang dun ulit pagbalik ko eh yung dalawang maganda at seksing binibini na hindi sapat ang bayad/hindi binabayaran ng gobyerno sa ginagawa nilang public service.

-

Today I learned that:

The other person I was referring to aside from my ex-girlfriend in this post is actually a student of (one of my) my alma mater. The person is the vice-chairman of their student council and is very active in voluntary community service such as giving education to children/juvenile delinquents that can’t afford to go to school. So aside from being a ‘freak’ seeking sex online, maybe she’s better than the other people I know na kung umasta eh akala mo kung sinong santo - mas marami pa pala ang kasalanan sa akin. Usually kasi most people stick on impressions and they judge. This is actually unfair and superficial. The way I see it, everyone, even notorious and vicious criminals, has a good side to them - and it may be better than ours. We all have our own dirty little secrets, work of art tayo, flaws makes us beautiful beings.

The close friend of mine I referred to on the post above only slept with the four (the fourth, he actually found) women he four-timed. He said it was very hard to four-time women but he enjoyed it anyway. He’s not as bad as I thought he was.

Another virgin christian friend got his first girlfriend, after 24 years. Yebah.

3 Responses to “Updated”

  1. twiger Says:

    bakit nabawasan ung entries mo?

  2. Tetet Says:

    Naguluhan ako teka, ayaw gumana ng brain cells ko. :)

    I`ll tell you my dirty little secret. >:) Joke lang. :))

  3. twiger Says:

    di ka pa magaling? diba my headache ka?

Leave a Reply