Still looking at the three sides of the bill. . .
I like the present and i’m looking forward to the future. Meron akong mga plano, pero hindi sila specific, ramdam ko lang na mas magiging successful ako. Masuwerte ako dahil sa maraming opportunities na dumarating sa buhay ko ngayon. Thank you God.
Sa pagsulat ko lang ng linyang ito naisip ko kung ano talaga ang gusto kong gawin pag nagawa ko na ang responsibilidad ko sa mga magulang ko. Gusto kong makatulong sa kapwa at mapasaya ang sarili ko ng lubusan. Hindi na ako ngayon mahirap, hindi na kami mahirap. At masaya ako na nakaahon na kami sa kahirapan.
Kuntentong kuntento ako sa kung anong meron ako ngayon pero nandun ang feeling na gusto ko talagang yumaman, yung tipong filthy rich, pero di ko naman gagamitin ang pera ko para magpakasaya. Gagamitin ko para magpatayo ng foundation, hindi yung “charity” type, yung hindi nanghihingi ng donations, yung bigay lang ng bigay ng parte ng income ko (pero hindi ako magaadvertise ng, ‘part of my/our earnings go to blah blah blah’). Hindi kasi umaappeal sa akin yung mga inaadvertise na “charity” foundation at yung mga ginawa nila, para kasi sa akin, kung totoong gusto nilang tumulong sa tao, hindi na sila magmamayabang pa sa pamamagitan ng media exposure at lalong hindi sila hihingi ng pera thru donations and get all the credit for the help they supposedly provide. Kung tutulong sila, tumulong sila, wag nang ipaalam sa tao na tutulong/tumutulong sila. Mas okay pa kung ginastos nila yung advertising fees sa poverty awareness kesa sa magtelevise sila ng kung sinong kalbong merong cancer na tinulungan/tutulungan nila na mamamatay rin naman sa huli. Okay yung pinapakita nila yung kumakailangan ng tulong sa telebisyon, pero hindi ba nila naisip na kasya na dun ang ginastos nila sa advertisement sa pagpapagamot sa taong yun. Ano yun? Para mapakita nila ang “Please send your donations to blah blah blah fucking foundation thru these bank accounts.”? Ang kapal.
Pero, pagkatapos ng lahat ng sinulat ko na ‘to, pagkatapos kong malaman kung ano ang gusto kong gawin pagkatapos ang lahat. Feeling ko may kulang pa rin sa buhay ko. Malaking kulang. Pero siguro yun na yun. Mawawala rin siguro yung kawalan na yun kung makakita ako ng maraming taong nakangiti.
O baka. Yung kakulangan na ‘to eh sarili kong pamilya. Parang gusto ko yung idea ng sarili kong pamilya, pero wala naman akong syota. Mag-aasawa ako, within 4 years, makakapagasawa ako. Gagawin ko ang makakaya ko.
April 9th, 2008 at 7:29 pm
Go for gold!
Hehe. Wag mo kong pansinen. Abnuii ako.
April 10th, 2008 at 4:52 pm
i was not writing but i have the same plan as you have. nakakainis ka. bakit mo binulgar?! baka masira ang plano.
pero yun din ang tumatakbo sa isip ko.
April 10th, 2008 at 4:57 pm
uhmmm within 4 yrs? dba sabi mo nga 27 or 28 ka mag-aasawa…uhmm 23 k ngaun? o 24? haaaaaaaaaay pero sana di mo sinulat ganyang ganyan din ung plano ko eh. hmpf! baka maagaw ng iba. mapupuno ng puwos charity ang buong pilipinas. masama yun kasi di na sila matutong magtrabaho. dpt yung needy lang tlg ang tulungan. pinipili ko rin kasi ang mga taong tutulungan ko.
may kwento ko sa mga gnyan.. pero saka ko na isusulat..